ngayon, pagdating ko sa bahay, puro katahimikan lang naririnig ko. dati kasi, tuwing Linggo pag-uwi ko, meron akong naabutang Nanay na nag-ma-magic sing sa sala. tapos pag nakita ako, ngingiti na syang nakatingin sa'kin habang kumakanta. maya-maya, tatawagin nya na ako, sabay halik sa pisngi ko, at pakakantahin din ako ng kantang gusto nya.
miss ko na yung Nanay ko. pati na rin yung Ate ko. Yung ingay, yung kulitan, yung konting tampuhan, tawanan pati na rin yung mga wala-lang moments.
miss ko sila, samantala nung andyan lang sila, madalas di ko naman sila nabibigyan ng panahon. kesho pagod ako galing trabaho, kesho inaantok nako kasi maaga akong nagigising sa umaga, kesho ganito, kasi ganyan. nagsisisi tuloy ako.
pabiro ko pang sinabe kay Mommy bago sya umalis, "Magha-house party ako dito my!" eh wala namang house party naganap. haha. pero pilit pa rin nilalabanan ang lungkot, at dinaraan na lang sa tawa.
buti na lang kahit papano merong facebook. atleast alam ko, masaya ang nanay ko dun kasama ni ate. para naman sa kanya yun because she rightfully deserves it. she deserves to be happy above all else.
kaya eto, nagba-blog na lang ako. para naman malabas yung tinatagong pagka-miss kay Naty at Amor.
hahaha!
mahal ko kayo,
bunso.
remember ko ung sa san antonio pa ung makulit na bunso na everytime nsa house nu ako lgi mko inaaway hehe
ReplyDelete